nasa manila na after ng lima, anim na araw na bakasyon. trabaho na ako ulit bukas/mamaya. medyo nakatulog ako sa bus kaya di pa ako inaantok. summary ng pasko sa beach:
1. para akong turista kasi parang department of tourism sina alanah, well, si tita eva talaga. ang sarap lang ng pagkain. nakakamangha ang ham at bacon na di galing sa mall.
2. naglakad sa beach. kaso walang banana pancakes. nakatulog ako ng matagal nung pupunta sana kami para magbanana pancakes kanina/kahapon. kaya wala na. pero masaya sa beach, ang drama lang ng sunset.
3. natulog ng napakatagal. ang haba pramis. ang tawag pala dun, tulog-mayaman. yung matutulog ka ng alas-dose tas gigising ng alas-dose ulit.
4. eto ang di dapat mawala: inuman. may tequila rose si alanah. kahit na pagirl, medyo inaantok din kami pagkatapos uminom. kulay pink sya. mukhang lasang calpol pero masarap naman. mukha lang lasang calpol. rumedhorse pala ako sa inuman sa beach. o ha. dalawa lang naman. wala rin naman akong abs ganyan, beer pa.
5. nagyosi kami tita sa labas ng bahay. kaya lang eto ang masaklap, di ko pa nauubos yung isa, nahilo na. grabe na lang, kala ko ang cool cool ko na. e nahilo. wala, jologs.
6. nanood ng sine, magpapahula sana, nag-plaza, kumain sa plaza, may batang gusto mang-agaw ng ice cream ko sa plaza.
7. nagupload ng piktyurs sa multiply, kummoment, nagfacebook, nagblag, meron pa yatang iba na nakay-vylett pa. nasan na ba kasi yung usb na yun.
ps. masamang pangitain (hala, pangitain) yata yung naloko ako ng taxi driver sa bus station. pero ako naman yata yung nagpaloko. e yoko na maghintay ng ibang cab kaya sumakay na ako kahit ayaw magmetro. mahanap nga yung manghuhula dito sa teachers village. pangitain pala ha. four years na yata na laging malas ang year of the tiger. kawawa naman.
Tuesday, December 30, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)